BALITANG PINOY: Naalala

"Philippines and World Trending News Website"

Showing posts with label Naalala. Show all posts
Showing posts with label Naalala. Show all posts

Monday, June 4, 2018

Naalala mo ba Noon?

8:17 AM 0
Naalala mo ba Noon?
NAALALA MO PA BA NOON NA:

1. P0.10 lang ang pamasahe, kandong libre pa. 
2. Ang babae lang ang may hikaw. 
3. Ang preso lang ang may tattoo. 
4. Si Erap, Jinggoy, Bong Revilla at Lito Lapid ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa. Ngayon headlines na.
5. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud. 
6. ARCEGAS at GOODEARTH Emporium ang shoppingan sa bansa. 
7. Diyes lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si Manong na magtataho 
8. Chocnut, Tarzan Gum at kending Vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo. 
9. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at matamis na bao sa umaga. 
10. Nagkaka-kalyo ka dahil sa manual type-writer pa ang ginagamit mo para sa school paper mo 
11. Kaya uso pa noon ang carbon paper. 
12. Tancho. 3-Flowers o Superman Pomade ang pang-ayos ng buhok mo. 
13. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin mo bago matulog. 
14. Nakakapag-grocery ka na! 20 piso lang ang dala . 
15. Anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo. 
16. May Party Line pa noon “hello party line, paki baba. Emergency lang”
17. Sampung taon ang hihintayin mo bago makabitan ng telepono. Ngayon ilang oras lang.
18. Computer cards ang iyung tinutupi para maging barilbarilan. 
19. Singkwenta sentimos lang ang songhits . 
20. Kay Ka Paeng Yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita. 
21. Sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit. 
22. Pinagtatawanan ang kalbo. “Pendong Kalas Kalbo”
23. Hindi uso ang gusot ang buhok at damit. Ngayon may gusot mayaman na.
24. Nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay pa ang panty at pusod. 
25. Cabaret ang tawag sa mga girly bars. Ngayon ay Music Lounge na
26. Hostess pa ang tawag noon, ngayon Guest Relations Officer na. 
27. Sa Escolta ka namimili ng pamasko mo. Ngayon kahit sa bangketa ay talo-talo na.
28. Payat na payat ka pa noon. 
29. Highway 54 pa noon at wala pang EDSA. 
30. Malago pa ang buhok mo noon. 
31. Jingle lang at Songhits nakakanta na. Ngayon naka Karaoke na. 
32. $1.00 = 4 pesos ang dollar exchange rate
33. Dati naninigas ang mga damit natin dahil sa almirol, ngayon palambutan na sa dami ng softener.
34. Ang bentahan ng bigas ay per salop at ganta, ngayon per kilo na.
Please Share ng makita pa ng ibang kaDekada

SOMETIMES you will never know the true value of A MOMENT until it becomes A MEMORY.