BALITANG PINOY: Child Abuse

"Philippines and World Trending News Website"

Showing posts with label Child Abuse. Show all posts
Showing posts with label Child Abuse. Show all posts

Wednesday, August 15, 2018

Lola Muna ang Mag-aalaga sa Bata

4:17 PM 0
Lola Muna ang Mag-aalaga sa Bata
Matapos magtrending dahil sa pinaggagawa niya sa kanyang step daughter, nakikiusap si Berna na huwag siyang husgahan dahil hindi naman daw nya binugbog ang bata. Nauntog lang daw ito sa pinto ng banyo ng maitulak nya ito. Isang aksidente lang daw ang nangyari. MAS lalong hindi rin daw siya nagpost sa social media at nagmumura sa kanyang mga basher. 

May paiyak-iyak pa itong nalalaman ng humarap sa New5. Huwag daw siyang husgahan kung hindi naman daw alam ang totoong dahilan. Oo nga naman, HINDI NAGSISINUNGALING ang bata. Buong inamin ng bata nong ito'y kinausap ng DSWD na binugbog at sinampal siya ni Berna. Pati ang ama nya hindi nya kinilala at sinabihan pang masama at pangit.

Hindi gagawa ng kwento ang isang bata lalo na kung alam nya na ang taong nag-aalaga sa kanya ay ramdan nya ang pagmamahal nito. Dahil sa nangyari, napilitan ang totoong ina ng bata na kukunin ang anak kaso mayron din itong tatlong anak sa bagong kinakasama kaya hindi pumayag ang DSWD na ibigay sa kanya. Instead, ibinibigay ang authority sa lola ng bata na sya muna ang mag-aalaga.

Tuesday, August 14, 2018

Pinatawag na sa DSWD si Berna

4:50 AM 0
Pinatawag na sa DSWD si Berna
Matapos mapanood ng mga netizen ang video na kumakalat sa social media tungkol sa isang bata na binogbog at sinambal ng isang madrasta na si Berna, ipinatawag na ito ngayon sa DSWD. Kinilala ang madrasta na si Berna Espina at ang kanyang ama na si Vin Lopez. Kakasuhan ang dalawa sa lola ng 3 years old na paslit dahil sa pagmamalupit nito sa bata.

Kapansin-pansin na nahihirapan ang bata sa kinalagayan nya dahil sa sampal, suntok at pati bugbog ang sinapit nito sa kanyang madrasta. Child abuse ang inabot ni Berna dahil sa mala demonyo nitong ugali pagdating sa bata.  Ngayon binura na sa facebook ang naturang video na kumakalat at nag trendiing. Aral na din ito sa mga ama na dapat mag-ingat sa pag-aasawang muli na ang kanilang mga anak ay hindi pagmalupitan.

Hawak na ng DSWD si Berna. Kasalukuyan itong iniimbestigahan dahil sa kanyang ginawa sa bata. Kung nawala ang video, nag viral na din ang mga letrato nila ng kanyang kalaguyo na ama ng bata. Inulan na naman ito ng batikos mula sa mga netizen at karamihan at minumura ito at gusto ng iba na pagmalupitan din si Berna.