Ilang dekada ding namamayagpag ang Yahoo Messenger sa internet. Kung matatandaan, sila ang unang naghubog sa akin upang matuklasan ko ang mundo ng worldwide web. Bago kasi makakagawa ng friendster account, kailangan mayron kang email. Hindi masyadong sikat ang MSN dati, later nawala din at pinalitan ng live.com.
Kaya pinili ko ang Yahoo email dahil mas madali silang matutunan. Kasabay ng iyong email, mayron ka ding Yahoo messenger dahil pareho lang naman ang log-in details ang gagamitin. Ang yahoo messenger ay mayrong video call kaya mas marami silang users dati.
Nagustuhan ko rin ang email features nila. Kaya kapag sinabing email, Yahoo agad ang sagot ng karamihan. Mayron naman ng MSN at AOL pero mas marami ang gumagamit sa Yahoo dahil napaka user friendly nito. Ang kagandahan, worldwide talaga ang service nila. Hindi pa uso ang Google noon at lately lang ang Gmail. Pagkatapos sa kalakasan ng Yahoo, biglang lumabas ang Gmail, Hangout at iba pang mobile messenger tulad ng Facebook, Watsapp, Line, Katalk, viber, wechat at marami pang iba.
Sad to know dahil sa July 17, mawawala na ang Yahoo messenger. Based doon sa email na natanggap ko, mayron silang bagong communication tools na ipapalabas na hindi pa nabanggit kung kailan at kung ano naman ito. Marami ang nanghihinayang pero ganun talaga ang mangyari kapag ang isang app o website ay hindi na kumikita. Hindi naman pwede na ipagpatuloy pa ito ng companya tapos maaaring ikakalugi nila.
Karamihan sa mga messenger ngayon ay supported na ito ng Google ads. Mayron itong features na lumalabas ang ads na makikita ng mga users, kapag na viewed ito ng users syempre kumikita sila. Kapag kumikita, mayron silang pagkukunan ng pundo na pambayad sa kanilang server at iba pang bayaran na ginagamit sa pag operate ng isang app o website.
Nakakalungkot dahil marami pa din naman ang gumagamit ng Yahoo messenger. Kaso nga lang hindi na nila hawak ang buong mundo at yong mga features ng kanilang site at app ay hindi naman nag level up di tulad ng ibang mga app at website na naging malakas sa milyon-milyong users ngayon.
Kaya minabuti na nilang magpaalam upang mabigyan nila ang paggawa ng bagong communication tools na maaring pangtapat nila sa malahiganteng messenger sa ngayon. Pero talagang hindi na nila kayang tapatan pa ang facebook messenger na gumagana kahit wala kang data. Mas lalo itong mamayagpag sa ngayon na nabawasan na ang kanilang katunggali.
Ikaw, ano ang mga hindi mo makakalimotang memories sa Yahoo messenger? Sa panig ko naman, marami akong naging kaibigan dati sa iba't-ibang panig ng mundo dahil sa Yahoo messenger. Madalas kasi akong pumapasok sa mga chatroom dati na marami ding pumapasok galing sa ibang bansa. Dahil doon, marami akong naging team lalo na sa mga online job ko.
Maraming salamat Yahoo messenger. Isang alamat sa aming mga nagtatrabaho online na wala pang ibang messenger na ginagamit noon kundi ikaw lang. Salamat sa ilang dekadang samahan natin. Hinding-hindi kita malilimutan.
PAALAM YAHOO MESSENGER!