Pagkatapos linisin ng mga nagbuluntaryong mga mamayan sa kalakhang Maynila, ini-enjoy na ngayon ng mga tao ang tubig at bagong view ng Manila Bay. Napakalaking pagkakaiba na nito ngayon kompara noon. Noon pa man, napansin ko mismo ang napakaduming area na ito noong nasa Maynila pa ako noong 2009, 2012 at 2013. Madalas kaming dumaan dito pagka-galing namin sa paghahanap ng mga agency para mag-apply abroad.
Never kaming tumambay sa tabi ng dagat dahil sa masangsang na amoy dulot ng mga makakapal na basura sa dalampasigan nito. Minsan napadaan kami katatapos lang ang Habagat kaya ang basura umabot hanggang sa tabi ng kalsada. Napakalayo na ang narating ng Manila Bay ngayon tapos nitong linisin ng mga concern citizen natin.
Kulang ang salitang SALAMAT dahil sa magandang nangyayari sa isa sa tourist attraction ng Maynila noon. Ngayon muli ng bumabalik ang kagandahan ng lugar na ito at unti-unti ng bumabalik ang kinang ng Manila Bay. Sana magtuloy-tuloy na ito at sana mapangalagaan pa ito para hindi na bumalik sa dati. Malaki ang pasasalamat ng karamihan sa gobyernong may malasakit pero hindi rin natin maalis na marami ding hindi nakakagusto sa muling pagsigla ng Manila Bay.
Sana huwag nalang magbangayan ang karamihan sa atin. Ang gagawin nalang suportahan kung ano ang makakabuti sa lahat at alam naman natin na obligasyon talaga ito ng tao at ng gobyerno. Hindi naman pwede na iasa nalang lahat sa gobyerno. Bilang mamayan, gawin natin ang tama at maging responsible tayo sa pangangalaga ng kalikasan dahil para naman ito sa ating kabutihan.
Kung malinis ang kapaligiran, maaaring malayo tayo sa mga sakit at syempre hindi aapaw ang mga kasapaan natin ng mga basura na maaari ding magpahamak sa atin sa hinaharap. Magkaisa nalang tayong lahat at huwag ng antayin ang gobyerno na kikilos para sa atin.
Video Credit: Pilipino Star Ngayon