Dumadami na kasi ang reklamo ng mga netizen tungkol sa paraan ng pangongolekta na tinatawag na Fixed Donations. Napag-alaman na iba ang pananaw nila sa pagbibigay ng pera sa panahon ng misa sa libing, binyag at sa iba pang sakramento sa simbahan.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano "na kailangan ding makinig ang simbahan sa mga pagpupuna ng mga taumbayan". Ito ang ang inihayag na sa Bandila ng ABS-CBN news kagabi.
Dagdag pa ni Rev. Broderick Pabillo, "ang pagkaunawa ng tao sa fixed donation panahon ng misa sa libing at binyag ay para bayad na ito. Para mawala na ang ganung impression, kaya tanggalin nalang".
Credit Image: Screenshot from Bandila news of ABS-CBN
Marami ng simbahan sa Pilipinas ang nagtanggal na ng Fixed Donations sa mga misa nila sa libing at sa binyag.
Ang pagtanggal ng fixed donations sa lahat ng simbahan sa buong Pilipinas ay ipapatupad sa taong 2021. Kasabay ng limandaang anniversaryo ng pagdating nga kristiyanismo sa Pilipinas.
Malaki ang maitulong nito sa mga Katoliko na gustong ma-serbisyohan ang kanilang mga patay na kamag-anak at binyag ng kanilang mga anak na hindi na mahihirapang pang maghanap ng pambayad.
Isa pa sa tinitingnan ng mga netizen na mawala na rin ang paraan ng pag-iikot ng mga donation collector panahon ng misa, na medyo nakakahiya sa iba kung wala kang ihuhulog sa dala nilang basket o sa ano mang bitbit ng mga taga kolekto. Sana ibalik sa dati na kusa mong ibibigay o ihuhulog sa nararapat na sisidlan ng donasyon sa isang bahagi ng simbahan.
No comments:
Post a Comment