Ayon sa datus, 609 sa mayrong virus na nakuha sa pakikipagtalik, 343 sa kanila o mahigit sa kalahati ay lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Sa datus, mayron din 18 individuals na nakuha ang virus sa pamamagitan ng sharing of infected needles. Mayron din dalawang kaso na mother to child transmission. Ibig sabihin nahawaan ang anak mula mismo sa kanya ina.
Nababahala ang ating gobyerno sa mga datus na ito. Ang ganung bilang ay nagpapatunay na kailangan talaga ng pusposang pagpapatupad ng agarang edukasyon para sa ating mga kabataan upang hindi sila mahawaan o mapahamak sa nabanggit na virus.
Ang HIV umaatake sa immune system ng katawan na sya mismong lumalaban sa kahit anong mga infection. Kung hindi ito naagapan, ang mga taong mayron HIV ay magiging vulnerable sa mga opportunistic infections and infection-related cancers. Kapag lumala pa ito, manghihina ang immune system at humahantong na sa Acquired Immuno Defeciency Syndrome or AIDS.
Ang virus ay makukuha lamang sa paglipat ng mga body fluids gaya ng dugo, semen, at viginal secretions. Hindi totoo na ang HIV o AIDS ay mailipat sa pamamagitan ng laway at pawis.
Kapag nasa katawan mo na ang virus, hindi na ito aalis. Magiging FOR LIFE mo na itong kasama. Wala pang natuklasang lunas ang HIV at AIDS at rin gamot na makakapag cure nito, pero pwede itong maagapan na huwag kumalat at dumami sa katawan sa pamamagitan ng antiretroviral drugs o ARVs.
Ang datus na nakuha ng DOH ay based lamang ito sa mga nagpapa HIV test. Marami ang hindi pa kasama rito lalo na iyong takot magpa labtest at yong mga minor de edad na kailangan pa ng parent consent. Maaring mataas pa ang bilang kapag ang labtest ay hindi na kailangan ng parent consent. Karamihan sa nagtatago ng kanilang sakit ay takot malalaman ng kanilang mga magulang. Kasalukuyan ng niratipika ang batas ng Pilipinas tungkol
nito.
Mayron na ngayong mahigit 50 DOH designated treatment facilities sa buong Pilipinas na magbibigay ng care sa mga HIV victims. Ang iba nag offer ng libre sa pagpapa testing kung ikaw ba ay affected na yong iba naman may bayad na higit kumulang na isang libo.
According to Republic Act 8504 or the Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998, all HIV testing facilities are required to conduct free pre- and post-test counselling.