BALITANG PINOY: Abusadong Driver

"Philippines and World Trending News Website"

Showing posts with label Abusadong Driver. Show all posts
Showing posts with label Abusadong Driver. Show all posts

Wednesday, August 15, 2018

Naka Blurred ang Mukha

5:30 PM 0
Naka Blurred ang Mukha
Pagkatapos humingi ng paumanhin ang piscal at ang kanyang asawa dahil sa ginawa nitong pambabastos sa mga MMDA officers isa na naman trending na balita tungkol sa pinalabas na video ng News5 sa issue na iyon. Naka-blurred kasi ang mukha ng piscal at ng kanyang asawa.

Based sa Journalism code about sa pag blurred ng mukha ay applicable lamang sa mga sumusunod.

From Jay Sonza facebook Page.

Broadcast Journalism 101 - you only digitize or blur the video if the concern party is a minor or too morbid on meal time airing or your interviewee is a crime whistleblower . these two are not minors or their appearance are too morbid for viewing or whistleblowers.. 
DUTY PO NYO PO TO TV5.

Ang dalawang lumalabag sa batas ay hindi minor at mas lalong hindi whistleblowers pero tinatanong ng taong bayan bakit ganon ang ginagawa ng TV5? Natatakot ata silang kakasuhan ng dalawa kung sakaling mayrong lapses ang pinapalabas nila.

Kung sino pa yong may violation sila pa yong iniingatan ang identity. Baliktad na talaga ang mundo. Hindi pa alam ng netizen kung ano ang dahilan ng TV5 kung bakit ginawa nilang ganito. Baka ayaw lang nilang makasuhan ng dalawa. 

Humingi na ng Paumanhin ang 5mins Girl

5:22 AM 0
Humingi na ng Paumanhin ang 5mins Girl
Maraming pumuna sa naging reaction ni 5 minutes girl ng ito'y tiketan sana dahil sa illegal parking. Hindi nya nirespeto ang mga implementeng officer ng MMDA. Instead, pinagdidiin nito ang 5 minutes na kuno dapat ay hindi siya matiketan dahil pasok pa siya sa 5 minutes at pilit hinahap ang counter ng 5 minutes time nya sa kalye. Bukod pa nito, binangga nya ang motorsiklo ng isang MMDA officer ng siya ay harangin. Napag-alaman na isa siyang piskal. Kaya pala ang lakas ng loob sumuway sa mga MMDA. 

Ilang beses hiningi ang kanyang driver's license pero hindi ito binibigay. Ayaw din nyang magpatiket at ayaw din nyang magpatowing. Dumagdag pa ang kanyang asawa na nagmumura sa harap ng mga MMDA officers. Pinipilit pang umalis na sila dahil nagdudugo na raw ang kanyang asawa dahil ito'y buntis. Kung tutuusin kasalanan naman ng piskal kung bakit siya na stress dahil din naman sa kanyang pinakitang masamang ugali.


Pagkatapos magtrending kahapon ang video ni 5 minutes girl at ang kanyang asawa, humingi na ito ngayon ng paumanhin. Humarap na ito sa ABS-CBN silang dalawang mag-asawa. Pero kahapon akala mo sila na ang may-ari ng buong Pilipinas.  Sa kanyang inasta, maaaring e revoke ang kanyan driver's license, disbarsement at maaari ding makulong.

Tapos na ang kanilang maligayang araw. Ngayon it's time for them na ayusin ang pinalalabas nilang maaanghang na salita kahapon. Akala siguro nila makaklusot dahil may mga kapit at may position sa lipunan. Panoorin ang kanilang video mula sa ABS-CBN para kayo na rin mismo ang humusga.