BALITANG PINOY

BALITANG PINOY

"Philippines and World Trending News Website"

Breaking

Tuesday, February 18, 2020

Free Data Mula Kay PLDT | Napaka Generous ni PLDT

9:15 AM 0
Free Data Mula Kay PLDT  |  Napaka Generous ni PLDT
Nothing unusual, para sa akin isang typical na araw lang ito ngayon. Dahil market day ngayon dito sa town namin kaya, inaasahan talaga na marami kaming customers galing sa iba't-ibang bayan, purok o barangay. Makulimlim ang panahon pero tuloy pa rin ang pagpasok ng aming mga customers. Maganda ang araw ko dahil pakiramdam ko ay malaki-laki din siguro ang sales namin nitong araw.

Mga banda 1:00 o'clock ng hapon habang may inasikaso akong isang customer, may tumawag sa cellphone ko mula sa 171. Ikaw ba naman halos every other day tumatawag sa number na iyon dahil sa problema ko sa dial tone at intermittent internet connection, siyempre alam ko na na taga PLDT ang tumawag.

Ayon nga nagpakilala na isang CSR ng PLDT kaya medyo excited pa ako sa tawag nya baka may magandang balita. Binanggit niya yong concern reference number ko pero hindi ko tiningnan kung tama ba yong number na iyon. Inaabangan ko yong goodnews niya kung sakaling mayron.


Akala ko maaayos na ang linya ko at babalik na ang telephone line namin pero iba ang sunod nyang sinasabi. Ang sabi nya mayron daw silang alternative to compensate my problem. Baka mayron daw akong wifi modem na gamit ay Smart or TNT sim para daw lolodan nila at free data ako within 7 days.

Naku po! hindi iyan ang inaasahan kong balita mula sa iyo. Wholesaler po ako ng loadwallet ni Globe at Smart kaya hindi ko kailangan ng free data plus free call at text dahil naka free call at free text ako palagi, monthly pa yong load allocation ko. Hindi rin ako mahilig mag data sa aking cellphone dahil mayron akong internet connection na kinuha mula sa inyo at nagbabayad ako ng P7,000 installation fee nong pinakabit ko ito.

Hindi ko kailangan ng free call at freetxt at mas lalong hindi ko kailang ng free data. Kumuha ako ng 20mbps na Home Fibr sa aking cellphone shop at 50mbps naman sa aming bahay. Para saan yong data na ibibigay nyo madam? Ang kailangan ko ayusin nyo yong serbisyo ninyo dahil nagbabayad ako ng matino para sana sa serbisyo na kailangan ko tapos ngayon bibigyan nyo lang ako ng free 21 week free data, with free call and text?

Ayon natakot si Mam CSR, nag segway nalang ito at sinabi sige sir babalikan ko nalang kayo pagkatapos kung ma follow-up ang concern nyo sa technical team. Paumanhin po madam CSR, alam ko hindi mo inaasahan na ganun ang reaction ko dahil free data ang dala mo. Baka akala mo, lulundag ako sa tuwa kapag nakakatanggap ako sa free na sinasabi mo.

Since December 22, 2019 wala ng kwenta ang telepono sa bahay at sa shop. Nagiging palamuti nalang ito at inalikabok na dahil hindi na nagagamit. Wala akong ibang hangad kundi maayos ang serbisyo nyo para naman fair yong pagbabayad namin ng bills bawat buwan.

PLDT umayos-ayos naman kayo. Nabibingi na ako sa kakasabi ng CSR na mayrong technical team na pupunta sa amin para ayusing ang problema sa linya ng aming fibr at telepono pero hanggang ngayon wala pa rin, at dalawang buwan na po. Huwag nyong hayaan na unti-unting mawawala ang mga subscribers nyo lalo pa ngayon na malapit ng mag-umpisa ang Mislatel. 

AGAIN, panawagan namin sa PLDT Davao Region specially Davao Oriental, ayusin nyo na mga problema ng mga subscribers nyo dito baka saka nyo na ayusin kung halos lahat ay hindi na kayo tangkilikin.

More information please visit our partners blog, link below:

https://www.usapangpera.ph/2020/02/pldt-telephone-line-dead-and.html

Sunday, February 16, 2020

PLDT Telephone Line Dead and Intermittent Internet Connection

3:14 AM 0
PLDT Telephone Line Dead and Intermittent Internet Connection
Naging maayos naman ang lahat simulat nong nag-migrate ang aming Internet Service Provider from Philcom to PLDT Fibr. Simula 2012 hanggang 2018 ay naging Philcom subscribers kami at nagtiyaga sa Plan 999 DSL. Pagdating sa internet connection, I wasn't 100% satisfied dahil kadalasan umaabot lamang ng 0.300 mbps ang naibigay nito sa amin pero dahil wala namang choice kaya tuloy pa rin ang aming pagbabayad.

Ang pinaka-nagustuhan ko kay Philcom ay ang serbisyo ng kanilang technician. Isang text or tawag mo lang, aaksyon na agad sila para maayos at ma-address ang aming concern. Everyday, kalimitan ay makikita mo si technician na umiikot sa bayan para magbigay ng aksyon sa mga problema ng kanilang mga subscribers. Kaya noong ibinabalita na magkakaroon na ng fibr connection ang aming bayan, naglulundag sa tuwa kami dahil magkakaroon na rin kami ng mabilis na internet connection.

Medyo may katagalan din bago na-activate yong linya ng fibr dito sa amin. Daming mga guni-guni kung bakit hindi agad na-activate. Pero umaasa pa rin kami na magiging OK din ang lahat. Kinalaunan, we got an update mula mismo kay Philcom at technician na pwede na kaming mag-apply ng fibr connection. Dahil existing subscriber na kami mas mabilis ang installation at libre pa ito. Agad kaming nagpakabit pero wala pang connection ng halos dalawang buwan.

Then, nakatanggap kami ng balita na may connection na ng fibr ang aking shop dahil doon ko inunang magpakabit ng fibr. Based on our observation, mabilis ang speed ng internet kahit 20mbps lang ang kinuha kung plan para sa aking shop at ito ay sa halagang P1,899 per month. 

Kaya nag-apply ako for another connection para sa aming bahay. Dahil isa din akong blogger at vlogger, kaya need ko talaga ang mas mabilis na internet connection kaya I choose to subscribe their 50 mbps plan worth of P2,899. Agad naman itong napuntahan ng mga HOME FIBR. Hindi ako naghintay ng matagal at nagkaroon agad kami ng internet connection sa bahay.

Natapos ang buwan, dalawang buwan at maging taon wala kaming problema sa connection. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa PLDT Fibr. Para tuloy-tuloy ang serbisyo at pagamit ng fibr connection, we promptly paid our monthly bills. Until December 2019, noong humagupit si Typhoon Tisoy. Nawala ang aming connection ng ilang araw, tapos bumalik pero unstable na ang speed ng internet at minsan nawawala. December 15 nawala ang linya ng aming telephone sa shop. Sa umpisa busy line pa ang maririning mo kapag pinakinggan mo ito pero late on ay totally nawala (dead).

December 22 nong una kung tumawag sa hotline para magreklamo. Nong panahon na iyon, OK pa ang telephone sa bahay pero parehong intermittent ang internet connection. Ang ginamit kung pantawag sa hotline ay ang telephone sa bahay. Nagbagong taon na for 2020 still wala pa ring aksyon ang PLDT. Palagi akong tumatawag sa hotline at puro paasa lang ang kayang gawin ng mga CSR.

Mid of January 2020, nawala na naman ang linya ng aming telepono sa bahay. Hindi na ako makakatawag sa hotline. Kaya tinawagan ko yong Philcom technician ka kung maaari ma-check nila ang linya ko. Nabisitahan nila ako together with the installation team ng HOME FIBR. Doon ko nalalaman na wala na pala siya sa Philcom-PLDT kundi nasa HOME Fibr na at sila na yong mga nag-i-install sa mga bayan at naka-based na sila sa city.

Tsinek nila ang aking linya pero wala silang nakitang error sa side ng HOME Fibr, as per advice kailangan kung tumawag sa 171 para sabihing bumisita sila pero walang problema sa kanilang end. Sagot ko naman, wala ng telepono na aking magagamit para tumawag dahil dead na pareho ang linya ng telepono sa shop at sa bahay. Noon ko nalalaman na pwede pala tumawag sa 171 gamit ang SMART/TNT cellphone.

Madalas na akong tumawag sa hotline at ganun pa rin ang aking maririning, puro paasa  kisyo nasa technical team na daw ang aking concern at kokontakin nalang daw ako para sa update. Since December 15 until now February 10, wala akong nakausap ni isang technical team mula sa PLDT.

Mula noong nag Fibr connection kami, I promptly paid my monthly obligation both sa shop at sa house. I am paying P1,899 para sa shop for 20 mbps connection at P2,899 naman sa aming bahay for 50 mbps connection. Pero simula December 26 hanggang ngayon hindi ko na binayaran ang aking monthly bill sa kadahilanang hindi nila inayos yong connection ko. 

Napaka unfair naman na magbabayad ka sa tamang halaga based doon sa ginawa nilang bill na hindi naman nila naibigay sa iyo ang serbisyo na nakalagay sa contract na speed at with telephone line. Sila mismo ang hindi tumupad sa agreement tapos sila pa ang may ganang maningil sa serbisyong hindi naman nila naibigay ng tama.

PLDT gumising naman kayo, pagdating sa bills payment ang bilis nyong umaksyon pero pagdating sa pag-address ng aming mga concern, daig nyo pa ang pagong sa sobrang bagal. Ayusin nyo muna ang serbisyo nyo bago ako magbabayad ng tama, kung putulin nyo ang linya ko, AYOS lang sa akin. Mas mabuti pang gagamit nalang ako ng Prepaid Home Wifi ng Globe mas mabilis pa ang connection kay sa Fibr nyo.

Hindi naman kami ang unang lumabag sa ating agreement, nagbabayad kami ng maayos pero hindi nyo inayos ang serbisyo nyo sa amin. Kung may plano pa kayong ayusin ang serbisyo nyo, ayusin nyo na habang maaga pa at pwede pa kaming bumalik sa inyo. Malapit na ang MISLATEL, baka tuloyan na kaming mamaalam sa inyo.

To check my history, please tingnan nyo ang aking account number sa inyong system:

1. Shop - 0270052347
2. House - 0270370160

More information please visit our partners blog, link below:
https://www.usapangpera.ph/2020/02/pldt-telephone-line-dead-and.html

#PLDTFibrPaasa
#PLDTPoorService
#PLDTmabilislangsaBill

Monday, March 18, 2019

Simbahang Katoliko Tatanggalin na ang Fixed Donation

6:41 PM 0
Simbahang Katoliko Tatanggalin na ang Fixed Donation
Dumadami na kasi ang reklamo ng mga netizen tungkol sa paraan ng pangongolekta na tinatawag na Fixed Donations. Napag-alaman na iba ang pananaw nila sa pagbibigay ng pera sa panahon ng misa sa libing, binyag at sa iba pang sakramento sa simbahan. 

Ayon kay Fr. Jerome Secillano "na kailangan ding makinig ang simbahan sa mga pagpupuna ng mga taumbayan". Ito ang ang inihayag na sa Bandila ng ABS-CBN news kagabi.

Dagdag pa ni Rev. Broderick Pabillo, "ang pagkaunawa ng tao sa fixed donation panahon ng misa sa libing at binyag ay para bayad na ito. Para mawala na ang ganung impression, kaya tanggalin nalang".

Credit Image: Screenshot from Bandila news of ABS-CBN

Marami ng simbahan sa Pilipinas ang nagtanggal na ng Fixed Donations sa mga misa nila sa libing at sa binyag.

Ang pagtanggal ng fixed donations sa lahat ng simbahan sa buong Pilipinas ay ipapatupad sa taong 2021. Kasabay ng limandaang anniversaryo ng pagdating nga kristiyanismo sa Pilipinas.

Malaki ang maitulong nito sa mga Katoliko na gustong ma-serbisyohan ang kanilang mga patay na kamag-anak at binyag ng kanilang mga anak na hindi na mahihirapang pang maghanap ng pambayad.

Isa pa sa tinitingnan ng mga netizen na mawala na rin ang paraan ng pag-iikot ng mga donation collector panahon ng misa, na medyo nakakahiya sa iba kung wala kang ihuhulog sa dala nilang basket o sa ano mang bitbit ng mga taga kolekto. Sana ibalik sa dati na kusa mong ibibigay o ihuhulog sa nararapat na sisidlan ng donasyon sa isang bahagi ng simbahan.

Saturday, March 9, 2019

Isang Magandang Nurse Sa Davao City Viral Ngayon Dahil sa Pagtutuli Nya ng mga Bata

9:18 PM 1
Isang Magandang Nurse Sa Davao City Viral Ngayon Dahil sa Pagtutuli Nya ng mga Bata
Viral ngayon sa social media ang isang nurse na taga Davao dahil sa angking ganda nito.
Pero hindi lang ang kagandahan nya ang nagdulot ng kasikatan dahil hindi lang ito ang naging dahilan ng kanyang pagsikat sa facebook kundi dahil sa galing nya sa pagtuli ng mga bata.
Credit Image: https://therecoverycrate.com/2019/03/09/davao-beautiful-nurse-made-rounds-on-social-media-after-circumcising-kids/

Ikaw ba naman, hindi kaba papayag magpatuli sa isang nurse na ubod ng ganda. Diba karamihan sa mga kalalakihan pagdating ng saktong edad o maging binata o may pamilya nya, minsan nagyayabangan tungkol sa kung sinong nurse ang nagtuli sa kanila?

Di ba magiging proud ka din dahil ang nagtuli sa iyo ay napakaganda at mukha talagang artista. Kung tutuusin maraming artista na hindi naman kagandahan tulad nya. Kaya marami talaga ang namangha kay RN. Krestle Lailene Deomampo. 
           Credit Image: https://therecoverycrate.com/2019/03/09/davao-beautiful-nurse-made-rounds-on-social-media-after-circumcising-kids/

Ang nakakatawa pa nito, nag tweet si Ms. Krestle sa kanyang twitter account ng "Operation Tuli" updates pero nakakuha lamang ito ng 5 likes. May isang nakakita sa kanyang post at gumawa ito ng fake accounts sa facebook tapos inulit nyang i-post ang updates ni Ms. Krestle kasama ang mga karawan nito, umani ito ng maraming likes at nagkaroon ng moer than 15,000 followers.
              Credit Image: https://therecoverycrate.com/2019/03/09/davao-beautiful-nurse-made-rounds-on-social-media-after-circumcising-kids/

Malaki ang pasasalamat ni Ms Krestle sa gumawa ng fake accounts nya dahil doon sumikat siya. Sa ngayon concentrate muna sya sa kanyang profession, pero malay natin darating ang araw makikita na natin siya sa telebisyon. Aabangan nalang natin ang susunod na kabanata ng kanyang buhay.

Ang Sikat na Komedyanteng si CHOKOLEIT ay NAMAMAALAM Na

10:11 AM 0
Ang Sikat na Komedyanteng si CHOKOLEIT ay NAMAMAALAM Na
Kinumperma ng Start Magic na ang sikat na komedyanteng si Chokoleit ay patay na. Ito ay nangyari kahapon lang Sabado, March 09, 2019. Habang ito ay nagtatanghal sa bayan ng Abra sa kanilang "Kawayan Festival 2019".

Si Chokoleit in real name "Jonathan Aguilar Garcia ay namatay sa edad na 48. Sumikat siya nong unang mapansin sa ABS-CBN fantaseryeng "MARINA". Kaliwat kanan na ang appearance ni Chokeleit sa iba't-ibang programa sa telebisyon.

Ang kanyang mga kaibigan ay nagbigay pugay sa kanyang pagkawala tulad nalang nila Vice Ganda. Nagtweet ito ng pasasalamat dahil naging kaibigan nya ito:

"Thank you Lord for giving me a chance to meet Chokoleit and become his friend. Im sad that we lost him. But happy that he’ll be in a much peaceful and happier place now with you. Thanks for everything Chokie. I love you!!! Rest well my friend."

Bago paman siya maisugod sa ospital, kumanta muna ito ng "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" pagkatapos magtanghal ng bandang "The Juans" from Bulacan. Sabi pa ni Carl Guevarra ng The Juans, hindi sila makapaniwala ang struggle ni Chokoleit sa pagtanghal:

"Unbelievable. Chokoleit performed right after our set and we witnessed how he struggled through the entire performance. The ambulance rushed him to the hospital in Vigan but now we were informed he didnt make it and passed away. We are all in shock. Prayers to all his loved ones. ‬RIP"

Kahit ang mga nanonood ay nakapansin na hinihingal si Chokeleit habang ginagawa ang kanyang part sa show. Kahit sa video na ina-upload ng Abra Province facebook page, mapapansin talaga na uncomfortable si Chokoleit habang nagtatanghal. Paalam Chokoleit ang iyong mga patawang jokes ay hindi malilimutan ng mga mamayang Filipino. Salamat sa lahat.

Panoorin ang video ng Abra Province nasa kataposang bahagi ng video ang part ng show ni Chokoleit: https://www.facebook.com/abragovph/videos/1167752816732891/