PLDT Telephone Line Dead and Intermittent Internet Connection - BALITANG PINOY

"Philippines and World Trending News Website"

Sunday, February 16, 2020

PLDT Telephone Line Dead and Intermittent Internet Connection

Naging maayos naman ang lahat simulat nong nag-migrate ang aming Internet Service Provider from Philcom to PLDT Fibr. Simula 2012 hanggang 2018 ay naging Philcom subscribers kami at nagtiyaga sa Plan 999 DSL. Pagdating sa internet connection, I wasn't 100% satisfied dahil kadalasan umaabot lamang ng 0.300 mbps ang naibigay nito sa amin pero dahil wala namang choice kaya tuloy pa rin ang aming pagbabayad.

Ang pinaka-nagustuhan ko kay Philcom ay ang serbisyo ng kanilang technician. Isang text or tawag mo lang, aaksyon na agad sila para maayos at ma-address ang aming concern. Everyday, kalimitan ay makikita mo si technician na umiikot sa bayan para magbigay ng aksyon sa mga problema ng kanilang mga subscribers. Kaya noong ibinabalita na magkakaroon na ng fibr connection ang aming bayan, naglulundag sa tuwa kami dahil magkakaroon na rin kami ng mabilis na internet connection.

Medyo may katagalan din bago na-activate yong linya ng fibr dito sa amin. Daming mga guni-guni kung bakit hindi agad na-activate. Pero umaasa pa rin kami na magiging OK din ang lahat. Kinalaunan, we got an update mula mismo kay Philcom at technician na pwede na kaming mag-apply ng fibr connection. Dahil existing subscriber na kami mas mabilis ang installation at libre pa ito. Agad kaming nagpakabit pero wala pang connection ng halos dalawang buwan.

Then, nakatanggap kami ng balita na may connection na ng fibr ang aking shop dahil doon ko inunang magpakabit ng fibr. Based on our observation, mabilis ang speed ng internet kahit 20mbps lang ang kinuha kung plan para sa aking shop at ito ay sa halagang P1,899 per month. 

Kaya nag-apply ako for another connection para sa aming bahay. Dahil isa din akong blogger at vlogger, kaya need ko talaga ang mas mabilis na internet connection kaya I choose to subscribe their 50 mbps plan worth of P2,899. Agad naman itong napuntahan ng mga HOME FIBR. Hindi ako naghintay ng matagal at nagkaroon agad kami ng internet connection sa bahay.

Natapos ang buwan, dalawang buwan at maging taon wala kaming problema sa connection. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa PLDT Fibr. Para tuloy-tuloy ang serbisyo at pagamit ng fibr connection, we promptly paid our monthly bills. Until December 2019, noong humagupit si Typhoon Tisoy. Nawala ang aming connection ng ilang araw, tapos bumalik pero unstable na ang speed ng internet at minsan nawawala. December 15 nawala ang linya ng aming telephone sa shop. Sa umpisa busy line pa ang maririning mo kapag pinakinggan mo ito pero late on ay totally nawala (dead).

December 22 nong una kung tumawag sa hotline para magreklamo. Nong panahon na iyon, OK pa ang telephone sa bahay pero parehong intermittent ang internet connection. Ang ginamit kung pantawag sa hotline ay ang telephone sa bahay. Nagbagong taon na for 2020 still wala pa ring aksyon ang PLDT. Palagi akong tumatawag sa hotline at puro paasa lang ang kayang gawin ng mga CSR.

Mid of January 2020, nawala na naman ang linya ng aming telepono sa bahay. Hindi na ako makakatawag sa hotline. Kaya tinawagan ko yong Philcom technician ka kung maaari ma-check nila ang linya ko. Nabisitahan nila ako together with the installation team ng HOME FIBR. Doon ko nalalaman na wala na pala siya sa Philcom-PLDT kundi nasa HOME Fibr na at sila na yong mga nag-i-install sa mga bayan at naka-based na sila sa city.

Tsinek nila ang aking linya pero wala silang nakitang error sa side ng HOME Fibr, as per advice kailangan kung tumawag sa 171 para sabihing bumisita sila pero walang problema sa kanilang end. Sagot ko naman, wala ng telepono na aking magagamit para tumawag dahil dead na pareho ang linya ng telepono sa shop at sa bahay. Noon ko nalalaman na pwede pala tumawag sa 171 gamit ang SMART/TNT cellphone.

Madalas na akong tumawag sa hotline at ganun pa rin ang aking maririning, puro paasa  kisyo nasa technical team na daw ang aking concern at kokontakin nalang daw ako para sa update. Since December 15 until now February 10, wala akong nakausap ni isang technical team mula sa PLDT.

Mula noong nag Fibr connection kami, I promptly paid my monthly obligation both sa shop at sa house. I am paying P1,899 para sa shop for 20 mbps connection at P2,899 naman sa aming bahay for 50 mbps connection. Pero simula December 26 hanggang ngayon hindi ko na binayaran ang aking monthly bill sa kadahilanang hindi nila inayos yong connection ko. 

Napaka unfair naman na magbabayad ka sa tamang halaga based doon sa ginawa nilang bill na hindi naman nila naibigay sa iyo ang serbisyo na nakalagay sa contract na speed at with telephone line. Sila mismo ang hindi tumupad sa agreement tapos sila pa ang may ganang maningil sa serbisyong hindi naman nila naibigay ng tama.

PLDT gumising naman kayo, pagdating sa bills payment ang bilis nyong umaksyon pero pagdating sa pag-address ng aming mga concern, daig nyo pa ang pagong sa sobrang bagal. Ayusin nyo muna ang serbisyo nyo bago ako magbabayad ng tama, kung putulin nyo ang linya ko, AYOS lang sa akin. Mas mabuti pang gagamit nalang ako ng Prepaid Home Wifi ng Globe mas mabilis pa ang connection kay sa Fibr nyo.

Hindi naman kami ang unang lumabag sa ating agreement, nagbabayad kami ng maayos pero hindi nyo inayos ang serbisyo nyo sa amin. Kung may plano pa kayong ayusin ang serbisyo nyo, ayusin nyo na habang maaga pa at pwede pa kaming bumalik sa inyo. Malapit na ang MISLATEL, baka tuloyan na kaming mamaalam sa inyo.

To check my history, please tingnan nyo ang aking account number sa inyong system:

1. Shop - 0270052347
2. House - 0270370160

More information please visit our partners blog, link below:
https://www.usapangpera.ph/2020/02/pldt-telephone-line-dead-and.html

#PLDTFibrPaasa
#PLDTPoorService
#PLDTmabilislangsaBill

No comments:

Post a Comment