BALITANG PINOY: Luzon

"Philippines and World Trending News Website"

Showing posts with label Luzon. Show all posts
Showing posts with label Luzon. Show all posts

Wednesday, January 2, 2019

Tambak Na Basura Pagkatapos ng Pasko

12:48 AM 0
Tambak Na Basura Pagkatapos ng Pasko
Kilala ang Luneta Park sa lahat ng Filipino lalo na ang mga taga Maynila dahil kadalasan dito sila pumupunta kapag mayrong mga holiday's gaya nalang ng Pasko, birthday's at iba pang mga special event na minsan doon nila sinisilebret. Hindi naman bawal gumala at tumambay doon. Nakapaganda nga tambayan doon lalo na pag gabi dahil maaliwalas ang paligid ang medyo presko ang hangin compared sa ibang pasyalan.

Nagala din ako doon noong nag-apply palang ako bilang isang OFW. Kapag weekend, doon kami gumagala. Marami kang makikitang mga iba't-ibang mukha na galing sa iba't-ibang lugar. Marami ding mga binibintang mga pagkain na mura lang, patok sa mga gumagalang limitado lang ang budget. Pwede ka rin magdala ng mga kumot o mga banig para ilatag sa damuhan para makaupo ang bawat isa lalo na kung ang nagpunta doon ay magpamilya.

Magandang pagmasda ang mga iba't-ibang kulay ng mga ilaw. Ang maliit na fountain na nasa paligid ay dumagdag din sa magandang ambiance ng Luneta Park. Pinagmamasdan ko lagi ang Philippine Map, lalo na kung kasama ko ang mga kasamahan ko sa pag-apply ng abroad dahil pareho kaming hindi taga Manila, taga probensya kami particular mula sa Mindanao.

Hindi mabibilang ang dumadalaw sa Luneta Park every week. Pinagmamalaki talaga ito ng lahat na mga Pinoy. Naging kontrobersya din ito nong may itinayo na matayog na gusali sa bandang likuran ng Rizal Monument. Dahil nakikita din kasi ito sa mga kinukuhang larawan, nasisira ang itsura ng Rizal Monument dahil sa mataas na gusali na nasa bandang unahan.

Kagabi, inaasahan ang pagdalaw ng napakaraming tao dahil araw ng Pasko. Karamihan sa mga magpamilya lumalabas at doon sa Luneta nag picnic at tumatambay, nagpapalipas ng oras. Wala namang problema kung tatamday ang mga tao doon. Ang malaking problema ang iniwan nilang basura na nagkalat kahit saan. Hindi lang sinisira nila ang paligid pati na din ang mga tagalinis, binigyan pa nila ng sakit sa ulo. Oo, binabayaran sila para gagawin ang paglilinis pero hindi naman ata tama na basta-basta nyo alng iiwan ang basura ninyo doon.

Dapat nating pangalagaan ang ating paligid kahit saan. Nagsimula ang desiplina sa ating mga sarili. Kung ano ang pinapakita natin sa labas, ganun din tayo sa loob ng bahay natin. Kung mahilig kang magkalat sa labas, siguradong mahilig ka ring magkalat sa bahay nyo. Kung patuloy nating gagawin ang mga ganong paglapastangan sa ating mga Park at sa iba pang mga pasyalan, siguradong sa susunod na henerasyon, tatabunan na tayo ng maraming basura.

Pwede naman nating iponin ang basura bago tayo umalis at ilagay ito sa lugar na tinatapunan ng ating mga basura. Huwag natin basta-basta nalang iiwan kahit saan sa park. Dapat marunong din tayong mag-alaga sa mga lugar na inaakala natin na hindi tayo ang responsableng gagawa nito. Huwag nating iasa lahat sa gobyerno ang mga trabaho na pwede naman nating gawin at hindi iasa sa iba.